HIMAGSIKANG PANLOOB
ni Foxtrot Mama
malayang salin ni
Bert Fabregas
w |
alang halaga nang pangkabuhayang pag-unlad ang magkakaroon ng kabuluhan sa lipunang Pilipino maliban na lamang kung ito ay mag-iiwan nang hindi mabuburang marka sa mahirap na tao - - hindi lalabis sa pagbundat sa kanyang tiyan kagaya nang pagpukaw sa kanyang nagwawalang-bahalang kaluluwa. Sapagkat isang bagay ang pagtanggap ng mga biyaya at iba ang paghango ng kasiyahan at katuparan mula sa mga ito. Ang pagtanggap ng mga biyaya ay maaring katumbas nang pagkamit ng materyal na bagay; subalit ang damdamin ng kasiyahan at katuparan ay magmumula lamang sa muling pag-bubuo ng disposisyong pangkaisipan at manggaling sa lehitimong indibidwal at panlipunang kamalayan.
A |
ng komitment ng Demokratikong Rebolusyong Pilipino (DRP) sa maisasagawa at may malayong-abot na repormang pang-ekonomiya samakatwid, ay kailangang may kawangis na kapantay na pagpapasya at masilakbong komitment na isinusulong para sa panlipunan at repormang moral. Kailangang maunawaan ng karamihang mamamayan ang eksaktong kalikasan ng mga pagbabagong materyal na umiiral at ang mga kundisyong mapanalungat na lumilinang sa mga naturang pagbabagong kinakailangan. Lahat ng mga Pilipino ay dapat maging handa na umagapay sa pag-unlad, habang tayo’y kumikilos mula sa atrasadong lipunan patungo sa bago. Bawat isa’y kailangang kumilala ng pangangailangan na iwaksi ang mga lumang balyus at umangkin ng mga bago sa pagsabay sa mga pangangailangan sa nagbabagong panahon.
T |
ayong lahat ay kailangang maging bahagi ng isang di-mapaglabanang kilusan na muling tutuklas sa isang tutuong kulturang Pilipino. Walang sino man ang dapat na maiwan sa pagpupunyaging humulma mula sa pagkakaiba ng mga pananaw at ekspektasyon, nang isang pinag-isang kamalayang Pilipino. Ang pinakamahalaga, ang mga kabilang sa atin na hindi pa lumalahok sa “mainstream” ng progresibong pakikibaka ay dapat na magising sa katotohanang ang ating sariling pangarap, pag-asa at mga aspirasyon ang siyang nananawagan sa demokratikong rebolusyon na kung gayun, ang lahat ay bahagi ng proseso ng transpormasyon; at ang mga pagbabagong inaadhika ay hindi “unilateral” na ipinataw ng DRP bilang isang ahenteng panlabas. Ang masang Pilipino ang sentrong karakter at mga tauhan sa kilusang ito; ang dalahin ay nasa kanila upang gumanap sa isang aktibong papel, ang mamahala sa mga pangyayari at huwag hayaang ang mga pangyayari ay maganap lamang sa kanila.
S |
a katunayan, ang mga pagbabago sa socioeconomic system ay dapat na kaalinsabay ng mga kaukulang pagbabago sa kamalayan ng mga tao. Ngunit ang mga pagbabagong ito’y hindi madaliang kaganapan. Sa Pilipinas, ang kamalayang panlipunan ay nalinang sa mabagal na hakbang na siyang humadlang sa implementasyon ng mga repormang pangkabuhayan. Marami tayong bilang ng kolonyal na ugat upang sisihin.
A |
ng isang ugat na kailangang putulin ay sangkot ang karakter ng Pilipino- - na inilalarawang di mababago at pinamamayanihan ng katamaran, masunurin, tahimik at mapagtiis, kamalayan ng pagiging inperyur ng ating lahi, pagiging mahiyain at ang pagsalungat na maliwanagan o mamulat. Sa paniniyak, ang mga ganitong halimbawa ay hindi eksaktong repleksyon nang malawak na personalidad ng mga Pilipino. Subalit di natin maikakaila na ang ating pambansang kasaysayan ay punung-puno ng mga ulat ng panahong kritikal, nang ang mga Pilipino ay nabigong tumugon nang matatag sa mga nagbabantang kalagayan.
S |
inabi sa atin halimbawa, na sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang kalahati ng mga bayan sa kapuluan ay nasa direktang pamamahala ng mga lokal na prayle. Ang mga paring Kastila ay mag-isang nagpalakad sa lokal na pamahalaan. Gayunpaman, ang mga tao ay salat sa pagkakaunawa ng sarili nilang sitwasyon - - at ng motibasyon upang kumilos at upang igiit ang kapangyarihang tiyak sa kanilang bilang. Hindi ibig sabihin nito na ang mga Pilipino ay nagtataglay ng mga negatibong katangian lamang. Si Lapu-lapu pa rin ang siyang tumitindig na sagisag nang pakikihamok ng mga unang Pilipino sa pananalakay ng mga banyaga. Subalit naningil ang kolonisasyon, ang ugaling magpaalipin na pinasigla nito ay naibaon sa karakter ng mga Pilipino.
A |
ng pagsanib ng simbahan at ng estado sa ilalim ng mga Kastila ay may malaking kadahilanan sa proseso ng pacification at intelektwal na pagpapailalim o pagyuko. Sa kamay ng mga may kapangyarihang pampulitika, tiniyak ng relehiyon ang maramihang produksyon ng mga busabos na kolonyal. Ang katolisismong Kastila ay nangaral ng mga virtues na palaayaw, palasuko at paggalang sa kapangyarihan.
A |
ng makasining na kulturang hinikayat ng mga mananakop ay dapat ding sisihin. Ang literatura na limitado lamang sa mga Pilipinong naghahangad na kalugdan ng mga namumuno ay kailangang angkinin ang attitude o saloobin ng mga uring klerikal. Sa tutuong kahulugan, para maging favored ay pagiging anti-Pilipino rin. Upang maging matagumpay, ang kolonyal na Pilipino ay kailangang isuko ang katapatan sa kanyang sariling lahi.
A |
ng edukasyong inpormal ay mas nakakasakal, sa paraang ito ay tumigmak sa balangkas nang pakikipag-ugnayang panlipunan. Sa direksyon ng relasyon ng mga Pilipino sa mga Kastilang mananakop, karamihan sa mga karaniwang tao ay luminang hindi nang galit kundi nang paghanga sa Kastilang paraan ng pamumuhay. Sa kalaunan, ang ganitong paghanga ay luminang ng isa sa dalawang paraan: sa isang malakas na motibasyon upang kumilos at gumawa tungo sa salaping kailangan upang makihati sa gawi at paraan ng mga nasa kapangyarihan, o nang katamaran dahil sa reyalisasyon ng malawak na pagitan na naghihiwalay sa mga mananakop at mga nasakop. Sa dalawang bagay, hindi naging kasiyasiya ang resulta. Ang silakbo na matutunan ang gawi at paraan ng mga makapangyarihan ay mangyayari lamang sa paggugol at sakripisyo ng mga mahihina at maliliit, na hindi binabaliktad ang pangkalahatang kolonyal na kalakaran. Sa kabilang dako, ang pagkiling sa katamaran ay naging huling hakbang sa proseso nang paghubad sa esensya ng ating pagiging tao.
A |
ng kalagayan ng bansa
I |
sa pang ugat na kailangang maputol ay ang ating tradisyon nang edukasyong kolonyal sa pormal at inpormal nitong aspeto. Alam natin halimbawa na ang edukasyon sa panahon ng mga Kastila ay isang padaskul-daskol na pangyayari sa kamay ng mga prayle.
M |
aliban na lamang noong huling dantaon ng kanilang paghahari ay bumuo ang mga Kastila ng isang sistema ng pambansang pagtuturo. Kahit
H |
indi nakakagulat na kahit noong unang bahagi ng ating martsa tungo sa pagbabago ay dapat pa ring ipakita ng mga Pilipino ang bakas ng ating lumipas. Kabilang sa mga ibang bagay, nakikita sa mayorya ng mga Pilipino ang pagiging malayo sa mga sentral na interes pulitikal. Kahit na ang saklaw ng partisipasyon ng masa sa pag-ugit ng desisyong pulitikal ay nakapanghihikayat, ang taas o level nang aktibong pakikisangkot ng mga mamamayan sa buhay pampulitika ay nananatiling nangangailangan nang pag-angat. Sa ibang salita, ang pisikal na pakikilahok ay hindi nagtataglay nang angkop na diwa ng sosyalisasyong kailangan kung aabutin natin ang mga layunin ng ating bansa. Habang bigo tayo na pahalagahan ang kabuluhan ng pakikilahok pampulitika ng masa ay hindi magkakaroon ng kaganapan ang pagbubuo ng isang pambansang pagkakakilanlan.
S |
a katunayan, ang nanaig na paternalistikong pananaw na mayroon tayo sa pulitikal at sa relasyong socio-economics ang malaking kadahilanan sa kalat-kalat na kamalayang Pilipino at pagkawala ng pambansang pagkakakilanlan. Bago ang batas militar, ang lokal at maging ang pambansang eleksyon ay mga paligsahang indibidwal sa pagitan ng mga personaheng pulitikal, higit kaysa sa resolusyon ng hidwaan ng mga balyus na popular at interes. Ang pagiging popular at hindi mga isyu ang umayos sa mga ito. Kaya, ang eleksyon ay nagpanatili sa mga retasong paternalistiko ng lipunang pyudal: ang mga kandidato ay itinuring na mga PADRINOS na sa kanilang kamay nakasalalay ang kapalaran ng mga tao. Ang mga tunay na isyu ay nalalambungan at madilim: ang mga mahihirap ay nanatiling lantad sa manipulasyon; at ang tunggalian sa pagitan ng ibat-ibang uri sa lipunan ay nanatiling walang lunas.
A |
ng interaksyong pangkabuhayan ay may kaparehong suliranin. Ang mahirap na tao ay nabitag sa pagkakasunggab ng superyur na pangkabuhayang puwersa. Siya ay maaaring makihamok upang sumagana at umangat sa kanyang uri. Ngunit, dahil sa istrukturang pang-ekonomiya, maaabot lamang niya ang indibidwal na kasaganaan sa pagtapak at paggamit sa ibang mahihirap na tao. Sa isang mahirap, ang pagiging tao ay nangangailangan ng kakayahan na magtaksil sa kanyang sariling uri.
M |
araming halimbawa ang ganitong alyenasyong pangkabuhayan. Ang magsasaka na tumanggap ng biyaya sa repormang agraryo ay maaaring makita ang kahulugan nito hindi sa kanyang katubusan kundi sa pagkakataong ibinibigay nito para maging tagapag-ari ng lupa at magkaroon ng kanyang sariling tenant-worker. Sa madaling salita, ang mahirap na Pilipino ay may makasariling paraan ng panlipunang pag-angat. Kaalinsabay nang di-hayag na pag-asam upang makihalubilo sa mga mayayaman at makapangyarihan, ito ay pumigil sa kanya na luminang ng maka-uring kamalayan. Namamalayan niya ang kanyang mababang pang-kabuhayang kalagayan; subalit dahil sa pagkakabitag sa mga kundisyong mapang-api, hindi niya mahawakan ang tutuong karakter ng opresyon.
A |
ng mga may pribilehiyo at makapangyarihan ay hindi ang tanging may kasalanan lamang. Sila ay biktima rin ng pira-pirasong pambansang kamalayan. Hindi nila nakikita ang kanilang superyur na kalagayan bilang pribilehiyo-isang pribilehiyo na hinuhubdan ng pagkatao ang iba, ganoon din ang kanilang sarili. Nabigo silang makita na sa kanilang maligalig na paghahangad upang magmay-ari, masyado silang nagumon sa mga materyal na bagay at naiwaglit nila ang kamalayan ng “human existence”, ng kanilang mga winasak at tinapakan. Sa proseso, ang mga may pribilehiyo ay naiwaglit din ang kanilang panlipunang konsyensya (social conscience) at hinubdan ng pagkatao ang kanilang mga sarili. Sila ay naging mga may-ari lamang ng mga materyal na bagay sa halip na tutuong naging tao.
S |
a pananaw ng ganitong hindi makataong oligarkiya, ang pagkamal ng marami pang kayamanan ay isang karapatan na hinango sa pamamagitan ng kanilang sariling pagpupunyagi. Ang ibang mga tao ay walang pribilehiyo sapagkat sila ay mga batugan at walang kakayahan - - at ang kanilang pagtanggi na kilalanin ang pagtangkilik ng mga mayayaman. Kaya naiwaglit ng mga mayayamang Pilipino ang kanilang kamalayang moral at panlipunang pananagutan.
N |
gunit ang nakakabagabag na pagmumukha ng neo-kolonyal na lipunang Pilipino ay ang umiiral na kawalan ng pagkakaisa. Ang mga unang Pilipino ay walang baseng kultural (cultural base) na may sapat na lakas upang tutulan ang impluwensyang Kastila: ang paghaharing kolonyal ay nagkait sa mga pamanang Pilipino (Filipino Heritage) nang pagkakataon upang yumabong nang nagsasarili. Ang ibang bansang Asyano ay nakapaglinang ng makinis at pinong sibilisasyon bago nalantad sa kolonyal na paghahari. Ang Pilipinas ay isang arkipelago ng mga barangay nang ito ay masakop ng ika-16 na dantaon. Ang ibinunga, ang ating kultura ay madaling gumuho at nasagkaan na umunlad bilang isang pambasang kultura.
A |
ng resulta ay paghahalo ng magkakahiwalay na pananaw at maling pag-aakala, walang kaugnayan sa mga tutuong pangangailangan para sa sambayanang Pilipino. Sa pagsulong ng panahon, ang katangiang kolonyal na naikintal ng mga Kastila ay pinalakas pa ng impluwensyang
K |
aya ang Demokratikong Rebolusyong Pilipino ay malinaw na itinuturo ng Pilipinong katayuan at ito ay may dalawang aspeto, ang materyal at saloobin (attitude). Materyal, dahil sa pangangailangan nang i-overhaul ang socioeconomic foundation; at attitudinal dahil sa pangangailangan na maisaayos ang mga balyus na Pilipino at paghuhusga ng mga bagay na pinahahalagahan. Ang ating materyal na rebolusyon ay ginagabayan ng ating egalitarian ideal, ganoon din ang ating attitudinal revolution na binubuhay ng ating makataong mga prinsipyo...
A |
ng komitment na ito ay kaalinsabay ang ating hindi magbabagong panata sa gawain nang muling paglikha ng lipunan ng tao - - isang lipunang mapanlikha (creative society). Ang ganitong gawain ay nanga-ngailangan nang pagpapalit sa indibidwalismo ng konsyensyang panlipunan (social conscience) kung saan nagkamali ang mga Pilipino dahil tayo ay naging bilanggo ng ambisyong personal at pang-kasaysayang salik ng ating pakikibaka para mabuhay nang pansarili (individual survival), kailangan nating kilalanin ngayon ang pangangailangan ng pagkintal ng kolektibong ideyal. Ang lumang Pilipino ay nabigo dahil pinanatili rin ng mga tao sa kanilang sarili, nakalimot sa pagiging hamak sa moral at panghihinang kultural. Ngayon, ang paniniwala ng mga mahihirap na kailangan nilang magsumikap at gumawa para sa kanilang katubusan ay kailangang tingnan hindi bilang isang regalo... kundi isang integral na bahagi nang kanilang sariling pagkamulat. Ito ay nangangahulugan na kailangang maabot nila ang paniwalang ito bilang mga aktibong nilalang at hindi mga tahimik o passive na mga bagay lamang. Ang masang Pilipino ay kailangang makialam sa proseso ng pagbabago - - at kritikal na makialam ...
I |
to ang parehong hamon na nagbibigay kahalagahan sa ating pag-iisip muli sa pundamental na edukasyon bilang “pagkatuto upang maging” sa halip na
“pagkatuto upang gawin”. Kahit na ipinagmamalaki natin ang ating pagiging mga literate people, ang ating superyur na edukasyon ay nagsilbing daan upang ilayo tayo sa bawat isa: ang mga mayayaman sa mga dukha, ang mga nakapag-aral sa mga mangmang. Upang magkaugnay, kailangang isangkot ng edukasyon ang mga tao sa gawain hindi lamang upang umunawa - - kundi maging sa pagpuna, pagsalungat, at kung kinakailangan, sa pagsalungat o paglaban. Ang mga payak na kaalaman ay dapat na dagdagan ng motibasyon upang makita at maunawaan ang daigdig, paunlarin ang kakayahan sa pagmamasid at paghusga, bungkalin ang diwang kritikal at kamalayan nang pananagutan para sa iba. Kailangan natin kung gayun na bigyan diin ang samasamang pagkilos kaysa sa kumpetisyon, at kolektiba kaysa sa mga indibidwal na layunin.
A |
ng malinaw na prinsipyo ay KAILANGANG BAGUHIN NATIN ANG ATING MGA SARILI HABANG NAGSISIKAP TAYONG BAGUHIN ANG LIPUNAN. Kung hindi natin kikilalanin ang kahalagahan ng attitudinal revolution, mananatili nating hinihinga ang madilim na diwa ng ating kolonyal na nakalipas, at ang transpormasyong panlipunan ay mawawalan ng saysay. Kaya kailangang ipakahulugan natin ang ating atas upang udyukan ang mga pagbabago, bilang isang “mandate” upang baguhin din ang ating mga sarili. Kung tayo lamang ay tapat sa ganitong indibidwal at kolektibong transpormasyon ay maaari nating matamo ang pagsasanib ng ating pangheograpikal na pagkakakilanlan at ng ating kamalayan bilang isang bansa.
A |
ng kinikilalang layunin sa buhay ng mga Pilipino ay mismong ang kanyang angkla sa panahon ng digmaan at kapayapaan. Ang “buhay” ang pinakapangunahing isinasaalang-alang. Sa panahon ng digmaan at mga pagsubok, pinakamalinaw ang kanyang simbuyo para mabuhay; sa panahon ng kapayapaan, ang kanyang hangarin upang mabuhay bilang tao hangga’t maaari ang kanyang nilalayon. Nagpupunyagi siya upang matugunan ang kanyang intelektwal, panlipunan, kultural, at mga pangangailangang pulitikal nang higit sa kanyang mga payak na pangangailangang pangkabuhayan.
A |
t habang siya ay patungo sa proseso ng pagsubok, adaptasyon, assimilasyon at acculturation, madalas ay hindi siya inuunawa. Minsan ay pinararatangan siyang walang gulugod, walang direksyong nananahan sa daigdig na ang pagkakakilanlan ay isang bagay na dapat pang tuklasin. Sa pamamagitan nang paghukay ng malalim sa kanyang walang kamalayang nakalipas at paglagos sa makapal na level ng banyagang impluwensya, na naging bunton sa ibabaw ng bawat isa.
S |
ubalit hindi siya isang damong madaling yanigin ng mga daluyong ng pagbabago. Hindi siya isang taong nasusulsulan ng iba na sumasayaw kung saan umiihip ang hangin. Ang kanyang ugat ay malalim, at ang kanyang komitment sa buhay na makatao at maka-Diyos ay matatag. Siya ay isang inner-directed na tao na alam kung ano siya, at batid kung saan siya pupunta sa kabila ng maraming madilim na lagusan sa nakaliligaw na daan tungo sa mabuti at magandang buhay na tinatanaw niya para sa kanyang sarili.
K |
aya bilang isang inner-directed, self-propelled thinking na tao, ang Pilipino ay nagsisimula nang pagbabago sa mga bagay at lugar na sa tingin niya ay karapat-dapat ang pagbabago.
B |
ilang mga Pilipino, hindi tayo isang bansa na madaling sumuko kapag dumating ang mga pagsubok at kahirapan. Tayo’y nagpapakilala nang pagbabago at nakakagawa ng mga bagay na walang paghahanda, pagsasanay at sapat na mga gamit, materyal atbp. Ang pagpapatiwakal ay wala sa ating kalikasan. Hindi tayo sumusugod
A |
ng balsa natin ng Demokratikong Rebolusyon ay maaring hindi perpekto, datapwat sa ating paglalayag sa karagatan ng Demokrasyang Pilipino’y nagawa natin at naitama ang direksyong ating tinatahak.
N |
apagtakpan natin nang maayos ang mga maliliit na butas at nahigpitan ang mga maluluwag na dulo ng ating Demokratikong Rebolusyong Pilipino sa pamamagitan nang pagtatalaga ng “concern” sa mga mahihina at maliliit. Palagi nating ikikintal sa isip ng mga Pilipino na ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa pagbubuhat ng mga dalahin ng bawat isa, sapagkat tayo ay isang bansang iisa sa diwa bagama’t magkakaiba ng pananampalataya at kultura.
|
No comments:
Post a Comment