Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya, Sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa? Aling Pag-ibig pa, wala na nga wala...
-SUPREMO ANDRES BONIFACIO(KKK)
Tuesday, January 22, 2008
PILIPINISMO- Sulong sa KADAKILAAN!
1 comment:
Anonymous
said...
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Servidor, I hope you enjoy. The address is http://servidor-brasil.blogspot.com. A hug.
Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Unang Bayani natin...
Si Pinunong Lapulapu ng Mactan
Mga Mananakop na Kano
Bangkay ng Kawal-Pilipino, sinisiyasat ng mga kaaway...
Mga Pilipinong Rebolusyonaryo na nakipaglaban para sa kalayaan
malamig na hukay ang hantungan, tinawag pang mga insurektos at tulisan upang hubdan sila ng dignidad at karangalan...
Ang aming munting mga Tinig, nawa'y pumukaw sa inyong kamalayan...
Tropang Batingaw 2003
Ang manunulat ng Bulacan
Si GAS ito...
Hawanin natin ang masukal na daan patungo sa kadakilaan ng ating lahi...
Ang ating watawat...
lukob ng dayong bandila, pati wikang minana ay busabos din ng ibang wika...
Mga mananakop na kano
nandahas at pumaslang sa ating mga ninuno
Ang ating mga ninuno ...
mas minatamis ang kamatayan kaysa sa buhay na walang kalayaan...
Bangkay ng mga Pilipinong Muslim sa Bud Dahu
Mahigit 3,000 Muslim kasama ang mga kababaihan at mga bata ang nagbuwis ng buhay upang maipaglaban ang kalayaan laban sa mga mananakop na Amerikano...
Batingaw ng Bayan- 16 Marso 2003
Ang blog na ito ay naglalayong tumalakay ng mga paksang magpapayabong sa kasaysayan, kultura at kamalayang Pilipino. Kagaya ng isang Batingaw, ito ay maghuhudyat ng babala sa panahon ng panganib, magbibigay ng hudyat sa walang humpay na pagsalakay at pagsasamantala ng mga dayuhan sa ating pambansang interes. Sa panahon ng pagyurak ng mga banyaga at ng mga katutubong tuta nila sa ating pambansang dignidad at kabuhayan, ang batingaw ay nananangis at tumataghoy. Sa oras ng pakikitalad sa lakas ng panunupil at pagmamalabis, ang batingaw ay maghuhudyat ng pakikidigma at kagitingan. Pupukaw ito sa damdamin at kaisipan ng mga tunay na anak ng bayan upang kumilos at mag-alay ng kanilang sarili upang makalaya na ang mga Pilipino sa kuko ng karukhaan, pagkaalipin at kawalan ng katarungan.
Sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila, ang mga Pilipino ay pinagsamantalahan at binusabos. Ang Krus at Espada ay hayagang ginamit upang pigilan ang pag-usbong ng kamalayang Pilipino at diwang makabansa. Ang mga di-napaluhod ng Katolisismo ay ginamitan ng espada upang malupig.
Bagama’t naging epektibo ang italyanong taktika na “divide and rule” upang mapagharian ng mga Kastila ang arkipelago, si Lapu-lapu pa rin ang tunay na kumakatawan sa tutuong karakter noon ng mga Pilipino. Ang mga kapatid nating Muslim sa katimugan ay nagpamalas ng agresibong pagsalungat ng mga Pilipino laban sa banyagang lakas ng mga Kastila.
Sa pananakop ng mga Amerikano, ang aklat at riple ang ginamit nilang instrumento upang masakop ang ating bansa. Sa paggamit ng pinong paraan ng pagkontrol sa kaisipan at sikolohiya, matagumpay nilang nahugot ang diwang Pilipino sa kaisipan at damdamin ng mga sinaunang pinoy. Itinurong primitibo at di angkop ang ating kultura, nilihis at binaluktot ang ating kasaysayan upang lumutang ang isang Pambansang Inferiority Complex at dakilain ang kulturang Amerikano. Ang mga Pilipinong di nagpailalim sa ganitong pinong ulos sa sikolohiya ay naging biktima ng masaker, water cure, hamletting at ibayong pagpapahirap. Sino ang makakalimot sa pacification campaign ng mga Amerikano? Ang massacre sa Samar at Batangas? Sa Luzon pa lamang ay umabot na sa daang libong Pilipino ang pinaslang ng mga Kano, mga hayok na mananakop na gumahasa’t nagsamantala sa ating mga kababaihan.
Ang ilang daang taon ng pagkasakop sa atin ng mga Kastila at ilang dekada ng pagkontrol sa ating kaisipan ng mga Amerikano sa pamamagitan ng “edukasyon” ang naging dahilan nang kawalan natin ng pambansang kamalayan. Dahil tayo ay biktima ng isang pambansang "“inferiority”, nanatili tayong nag-iisip at kumikilos bilang mga alipin sa sarili nating bayan. Nanatili tayong mga busabos ng kolonyal na edukasyon at patuloy tayong nag-iilusyon na ang mga dayuhan ay ating mga kaibigan. Hindi natin naiisip na ang ating interes bilang mga Pilipino ay kasalungat ng interes ng mga banyaga.
Panahon na upang saliksikin natin ang tunay na kasaysayang Pilipino at isulat ito batay sa pananaw (viewpoint) at paninindigan (standpoint) natin bilang isang bansang may mayamang kultura at maringal na sibilisasyon sa nakaraang panahon. Ito ang magiging susi upang tayo, bilang isang lahi ay muling mapanghawakan ang ating tadhana at hindi na lamang manatiling biktima ng pagbabago sa kalipunan ng mga bansa…
1 comment:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Servidor, I hope you enjoy. The address is http://servidor-brasil.blogspot.com. A hug.
Post a Comment