BATINGAW NG BAYAN RADIO PROGRAM
DZRM 1278 Khz AM Band
10:00-11:00 Am every Sunday
ANG AMING BATAYANG PANININDIGAN
1) Itinuturo ng ating pambansang interes bilang mga PILIPINO na lahat ng ating ispiritwal, moral, intelektwal, likas, pisikal at makataong kayamanan ay pag-aari ng mga Pilipino lamang at hindi ng kung sinupaman. Ang kayamanang ito ay dapat na nasa kumpletong kontrol, pag-aari at pamamahala ng mga tunay na PILIPINO.
2) Ang isang PILIPINO ay ipinanganak dito sa PILIPINAS o sinumang ang kanyang mga magulang ay PILIPINO, o sinumang tao na pinili niyang tumira dito sa ating bansa at nanumpa hanggang kamatayan nang kanyang katapatan sa PERLAS NG SILANGAN. Siya ay nabubuhay, nagtatrabaho, lalaban at mamamatay para sa Pambansang Kapakanan ng ating lahi.
3) Ang Pilipino ang siyang dapat na maghari sa bansang PILIPINAS sa lahat ng aspeto ng kanyang pambansang buhay. Ngayon, siya ay alipin sa sariling bayan, katulong at alila sa ibang bansa. Siya’y iskwater, walang sariling lupa samantalang pag-aari ng mga banyaga at simbahan ang mga magagandang lupain at espasyo sa mga lunsod at kanayunan. Ang PINOY ay taga-igib ng tubig, atsoy, alila at tagasibak ng kahoy sa sarili niyang bansa; mga utusan, tsuper, hardinero, sekyu, prostitute, call boy at palipasan ng libog o laruang manika lamang ng mga dayuhan. Dapat tayong kumilos at magpakasakit upang mabago ang ganitong kalagayan. Tayo, bilang mga Pilipino ay dapat nang sumulong sa landas tungo sa kadakilaan.
4) Tayong mga Pilipino ay may ideyolohiya, ang DIWANG PILIPINO o PILIPINISMO na bunga ng ating makasaysayang pakikibaka para sa kalayaan at kabansaaan na nagsilbing mitsa ng Himagsikang 1896 laban sa mga mananakop na Kastila. Wakasan na natin ang kabulaanang isinalaksak sa ating diwa ng mga banyaga na tayo, bilang isang lahi ay walang sariling ideyolohiya. Sinadya itong gawin ng mga dayuhan upang mapanatili sa ating sikolohiya at kaisipan ang mababang pagtingin sa ating mga sarili, sa ating dignidad at kakayahan bilang isang lahi, hangad nilang tayo ay manatiling bihag ng isang “PAMBANSANG INFERIORITY COMPLEX”.
Ang pagkabuo ng isang pambansang kamalayan at kabansaan noong 1896 ay isang malinaw na patutoo na tayo, bilang isang lahi, ay may sariling pambansang ideyolohiya na umigpaw mula sa abo ng mapanghating rehiyonalismo. Ang isang bansa ay hindi mabubuo kung walang sistema ng mga paniniwala, mga minamahalaga at mga adhikain na gapiin at labanan ang mga dayuhang mananakop. Noong 1896, napakilos ang mga materyal at kayamanang pantao upang maitayo ang isang rebolusyonaryong pamahalaang Pilipino sa ilalim ng Saligang Batas ng Malolos.
5) Ang mga elemento ng ideyolohiya ay nandiyan lahat sa Diwang Pilipino, sa ating kasaysayan, sa ating pilosopiya sa buhay, sa mga sinulat ng ating mga bayani, mga pantas at marurunong, sa mga payak na kasabihan at salawikain ng sambayanan, sa ating saligang batas, at sa ating mga pinaiiral na batas ng lipunan. Ang mga balyus na nakapaloob sa ating ideyolohiya’y siyang tema at mga paksang paulit-ulit na nababanggit sa mahigit na 200 pag-aalsa laban sa mga Kastila, sa Rebolusyong 1896, sa ating madugo at magiting na pakikidigma laban sa mga mananakop na Amerikano at mga Hapones. Kasama ng ating mga layunin, adhikain at mga pangarap, ang mga ito ay nananatiling rebolusyonaryo ang karakter at tungkulin sapagkat hindi pa tayo ganap na malaya sa larangan ng ekonomiya at pulitika.
6) Ang pambansang interes ay kailangang nasa ubod ng isang Demokratikong Pagbabagong Pilipino na ginagabayan ng gabay pangkaisipan na Diwang Pilipino. Ang kahulugan nito, ang PILIPINO ang siyang tanging may tangan ng kapangyarihang pampulitika na malaya sa kontrol, maniobra at manipulasyon ng anumang dayuhang lakas, mga oligarko, Burgesya-Kumprador at mga lokal nilang kasabwat. Kailangang tayo, tayong mga Pilipino ang dapat na dominanteng puwersang pangkabuhayan na may ganap na kontrol at hindi kahati lamang ng buong ekonomiya ng bansa o ng lahat ng mga sangay nito.
7) Tayong mga Pilipino ang siyang dapat na naghahari dito sa ating bansa sa larangan ng kultura, wika, sining, musika, pintura, agham at teknolohiya, mass print at broadcast media, pelikula, TV Programs, recording industry, kontrol sa pagpapalimbag ng mga aklat pangkasaysayan, magazines at pahayagan. Dapat nating makontrol ang mga susing industriya kagaya ng langis, bakal, kemikal, telekomunikasyon, elektroniks, pagmimina, paggawa ng gamot, etc., at maging sa importasyon at eksportasyon ng mga produkto dito sa Pilipinas.
8) Ang pambansang interes ay kailangan na laging nasa kamalayan ng lahat ng Pilipino. Kaya’t maging ang proseso nang pakikipag-ugnayan, paghubog sa karakter, pag-uugali’t personalidad ng isang indibidwal--- mula sa sinapupunan ng isang INA hanggang sa libingan ay dapat na maidiin at makintal ang pambansang kapakanan. Kailangang maisingkaw sa pakikipag-ugnayang ito ang pakikiisa ng pamilya, simbahan, paaralan at ng pamahalaan.
9) Tinitiyak at tinutukoy ng ating pambansang interes ang teritoryong sakop ng Pilipinas sa lupa, hangin, karagatan at maging ang Sabah Claim ng Sultanate ng Sulu. Gamitin natin at ipagtanggol ang ating soberenya laban sa sinumang nanghihimasok sa ating pamahalaan at kabansaan.
10) Ang soberenya’y mula sa mga Pilipino at ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmula sa mamamayang Pilipino. Nasa ubod ng Diwang Pilipino ang lubusang pagkontrol ng mga Pilipino sa ating pamahalaan na malaya sa dikta at impluwensya ng mga dayuhan.
11) Kaakibat ng pambansang interes na sa pamamagitan ng Diwang Pilipino ay mapigilan natin ang panunulsol ng mga dayuhang lakas na ginagabayan ng mga banyagang ideyolohiya upang magpatayan tayong mga Pilipino. Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Pinopondohan at inuudyukan ng mga banyaga ang ibang mga armadong grupo upang magsagawa ng internal na tunggalian at ipatupad ang divide and rule na taktika laban sa atin. Ang mga dayuhan din ang nagbibenta at nagsu-supply ng mga mapamuksang armas sa ating mga Pilipino. Nagpapatayan tayo, magkakadugo, magkakalahi, magkakapatid...habang ginagahasa naman ng mga dayuhan ang ating likas na kayamanan at binubusabos ang ating lakas paggawa( labor force).
12) Nasa ating pambansang interes, sa ilalim ng Diwang Pilipino na tayo ay magkaisa sa isang ideyolohiya tungo sa isang mapayapang pagresolba ng ating salungatan. Kadalasan, ang pinagmumulan ng mga tunggaliang ito ay likha rin ng mga banyaga. Layunin natin na mapigilan at matapos na ang pagpapatayan nating magkakalahi, Kristiyano man o Muslim, tayo ay magkapit-bisig na upang isulong ang isang tunay at maka-Pilipinong pagbabago sa ating bansa.
13) Higit sa lahat, ang ibig sabihin ng pambansang interes ay ang kapakanan ng mayoryang Pilipino. Ang hanay ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, propesyonal, sundalo, pulis, kabataan atbp.,, hindi ng isang maliit at maimpluwensyang bahagdan lamang ng populasyon na laging nakikipagsabwatan sa mga dayuhan dahil sa pangkabuhayan at pansarili nilang kapakanan. Ang MASA ng sambayanan ang tumutugon sa kahulugan ng pagiging PILIPINO.
14) Itinuturo ng DIWANG PILIPINO na tayong mga Pilipino ay may kakayahang mamulat ay maunawaan kung ano ang ating interes bilang isang lahi, tayo ay may kakayahang hubugin ang ating tadhana sa tulong ng Poong Maylikha upang maitayo ang isang malaya, malakas, maunlad at dakilang bansa, ang PILIPINAS.
16 Marso 2003
RFabregas
Program Host

No comments:
Post a Comment