Sunday, November 8, 2009
Thursday, June 25, 2009
EROPLANONG PAPEL
Ang PILIPINAS ay itinuturing na may pinakamagandang performance sa lahat ng East Asian Economies noong 1950s . Ito ay batay sa isinagawang pag-aaral ng World Bank. “…By comparison with most underdeveloped countries, the basic economic position is favorable. Through a comparative high level of expenditure on education, transport…and industrial plants…the Philippines has achieved a position in the Far East second only to Japan( “RP, Myanmar Asia’s Economic leaders in the Fifties…Bulletin, May 12, 1993).
Ang nakalulungkot, sa paglipas ng ilang dekada ay naungusan na tayo sa pag-unlad ng mga bansang kagaya ng South Korea, Taiwan, Singapore atbp. Ano ang naging problema? Ang sabi ng iba: Population boom, Graft and corruption! Eh bakit ang China, India at Indonesia? Napakalaki ng kanilang populasyon subalit naging behikulo pa nila ang dami ng kanilang mamamayan upang magkaroon sila ng Economic Miracle sa pamamagitan ng Industriyalisasyon. Ang mga bansang ito ay itinuturing din na mas higit na corrupt at laganap ang katiwalian sa burukrasya subalit natamo pa rin nila ang phenomenal na pag-angat ng kanilang ekonomiya mula noong 1950s. Kung ganoon, hindi naging sagabal ang malaking populasyon at graft and corruption sa mga bansang ito sa pag-unlad. Ano ang kanilang naging sekreto sa pag-unlad na maaari nating matutunan at maisapraktika? PATRIYOTISMO at PAGMAMAHAL SA DIYOS!! Ito ang susi upang maibangon nating muli ang INANG BANSA mula sa pagkalugmok...
Saturday, March 14, 2009
Digmaan
PAMBANSANG PAGKAKAISA, ito ang tulay tungo sa kapayapaan at kaunlaran...hangga't kasakiman at kapalaluan ang umiiral sa magkatunggaling panig, patuloy na maglalagablab ang apoy ng DIGMAAN. Hanggang't umiiral ang kawalan ng katarungan, kahirapan, kamangmangan at kaapihan sa lipunan, magpapatuloy ang DIGMAAN...