Kahalagahan sa pag-aaral ng kasaysayang Pilipino
Higit nating mauunawaan ang kasalukuyan kung alam natin ang nakaraan, mabibigyan natin ng konkretong balangkas ang hinaharap kung mayroon tayong analitikal na pagtatasa sa kasalukuyan na malaya sa panatisismo at anumang sariling paghuhusga o pagkiling.
Ang paninindigan natin at pananaw sa kasaysayan ay kailangang maka-PILIPINO. Ang ibig sabihin nito, ang pag-aaral sa kasaysayan ay kailangang isaalang-alang; una at higit sa lahat ang interes ng lahing Pilipino. Hindi rin dapat na panghinayangan ang maaaring pagkawala ng mga kaibigan, gaano man sila kayaman at makapangyarihan; hindi rin dapat umiwas sa pagsalunga sa mga institusyon na nagsisilbing sagabal sa radikal na transpormasyon ng lipunan. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay dapat maging kagaya ng isang mangagamot na nag-oopera ng kanyang pasyenteng may tumutubong kanser, mga kanser ng lipunan.
Ayon kay Renato Constantino, “Dating bumihag sa ating mga kaisipan sa pamamagitan ng sinadyang panghuhuwad at palsipikasyon ng tiyak na mga pangyayari na baguhin ang anyo ng mga banyagang nagmalupit at gumamit sa atin (kasama ang kanilang lokal na kakutsaba) sa pagiging altruistic at mapagsakripisyong mga kapareha.”(Insight and foresight, p.3 1977)
Pananakop ng mga Kastila
Who discovered the Philippines? Ito ang karaniwang tanong noon sa mga estudyante ng kasaysayan. Si Magellan!! Ang may katiyakang katugunan ng mga estudyante. Umangal ang mga makabayang Pilipino. Mali nga naman iyon. Tayo ay may sarili nang mayamang kultura at tradisyon bago pa man tayo napasailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila. Ang sumalaksak ng ganitong kaisipan sa atin ay ang maling edukasyon, mga aklat pangkasaysayan na ang sumulat ay mga dayuhan din at mga Pilipinong naging estudyante nila.
Binago nila ang tanong. Who rediscovered the Philippines? Si Magellan!! Okay na ito, sabi ng mga edukador? Tama na ba ito? Mali pa rin!!
Ang konsepto ng ganitong baluktot na pagtanaw sa ating kasaysayan ang naging ugat ng ating “PAMBANSANG INFERIORITY COMPLEX” at kawalan ng NATIONAL PRIDE/PAMBANSANG DIGNIDAD hanggang sa kasalukuyang panahon. Hindi natin ipinagmamalaki ang kadakilaan ng ating mga ninuno dahil tayo ay nadiskubre o muling nadiskubre lamang ng mga kastila. Mistula tayong mga primitibong tao na nakasuso ang pag-unlad ng sibilisasyon sa mga dayuhan, ito ay isang napakalaking kamalian!!
Sa katotohanan, ang 11 Indicators of civilization ay maunlad na noon pa man, bibigyan natin ang paksang ito nang masusing pagtalakay sa isang hiwalay na paksa at sanaysay ni F LANDA JOCANO.
Ang angkop na pananaw natin sa pagtuntong ng puwersa ni Magellan dito sa Pilipinas noong 1521 ay hindi discovery o re-discovery kundi isang PANANAKOP o INVASION!! Bakit? Upang maipanumbalik natin sa ating sarili ang kagitingan at dignidad nang pagtatanggol ni LAPU-LAPU sa baybayin ng Mactan. May apat na elemento ang invasion: 1. Presence of foreign troops, 2. Armaments, 3. Constant Bombardment, 4. Setting their foot on our native soil. Malinaw, ang lahat ng mga elemento ng invasion ay umiiral o natugunan noon sa labanan sa Mactan.
ANG DIVIDE AND RULE NA TAKTIKA
Nang si Ferdinand Magellan, ang unang nakilalang banyaga na mangangamkam ng lupa sa kasaysayan ng Pilipinas ay tumapak sa ating baybayin, kaagad niyang nakita ang paggalang na iniuukol ng mga kasapi ng barangay sa kanilang mga pinuno, na nagsisilbing magulang sa kanilang mga nasasakupan. Napansin din ng mga mananakop ang mahigpit na pagsunod ng mga nasasakupan sa kung anumang pahayag ng DATU matapos konsultahin ang mga tagapayo o matatandang kasapi ng Barangay.
Hindi nag-aksaya ng panahon si Magellan sa eksploytasyon ng karakter at katangian ng Barangay. Ginamit niya ang Italyanong taktika na hatiin at pagharian (divide and rule) upang matugunan ang interes ng mga kolonyalistang Kastila. Kinaibigan niya ang mga pinuno ng mga pook na kanilang unang napuntahan. Isa sa mga ito si Rajah Humabon, Pinuno ng isang confederation ng walong barangay sa Cebu.
Ikinubli ni Magellan ang tunay nilang motibo, ganoon din ang mga sumunod na lider ng iba pang pangkat ng mananakop gaya ng corrupt na si Miguel Lopez de Legazpi--- ang gawin ang Pilipinas na pangunahing mapagkukunan ng ginto at perlas, mga hilaw na sangkap gaya ng niyog, asukal, tabako, abaka, bulak, kape, atbp; tambakan ng mga tapos na produkto at investment area ng mga labis na kapital ng mga Kastila. Ang isinalaksak sa ating utak ng mga dayuhan mula noong 17 March 1521, na ang layunin nila sa pagsalakay at pagsakop sa Pilipinas ay dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Katolisismo ay isang mapanlinlang na pagbibigay katuwiran. Sa paggamit ng mistisismo at kabanalan ng krus ay kagyat na napaluhod ang mga unang Pilipino. Dala na rin ito ng pagiging labis na relihiyoso ng ating mga ninuno. Sa katotohanan ay sinamantala ng mga prayle ang ating paniniwala sa iisang Diyos(Batahala), mga anito atbp- - sa pamamagitan nang pagsalaksak ng superstucture ng Relihiyong Katoliko sa sinaunang pananampalataya ng mga unang Pilipino. Ang sumunod na mga pangyayari ay ang maramihang conversion ng mga ninuno natin sa Kristiyanismo gaya ng ginawa ni Rajah Humabon at mga kapanalig nito na bininyagan noong April Fool’s Day. Ang lahat ay naganap sa dulo ng binaliktad na krus(espada) at sa pambubomba ng mga baybayin at Barangay.
Sources:Usha Mahajani, Phil Nationalism; Fr. Vitaliano Gorospe S.J., Christian Renewal of Filipino Values; Ramon Tagle, Towards Christian Democracy)
Nang ang mga regular na organisasyong panlalawigan ay naitatag noong ika-17 dantaon, ang mga matataas na opisyal ay mga kastila. Ang mga posisyong inilaan sa mga Pilipino ay ang mga katungkulang gobernadorcillo o municipal mayor at ang sa mga cabeza de barangay o barangay captain lamang. Ang mga Pilipinong ito na iginagalang at pinahahalagahan ng ating mga ninuno ay naging mga mabisang kasangkapan sa 333 taon nang pagsasamantala ng mga Kastila sapagkat sila ang komukolekta ng mga buwis para sa pamahalaang kolonyal at taga-recruit ng mga katutubo para sa forced labor o sapilitang paggawa ng walang bayad.
Ang dating produktibong mga Pilipino sa larangan ng ekonomiya at lipunan ay sapilitang pinaglingkod sa hukbo o pulisya ng mga prayle sa pamamagitan ng mga pangako ng biyaya mula sa kalangitan at naging instrumento nang pandarahas at pagpuksa sa kapwa nila Pilipino. Ang mga kababaihan naman ay natagpuan ang kanilang mg sarili na nagbabayo ng palay o hindi man ay nagwawalis at naghahawan ng mga dumi at damo sa simbahan. Nagsilbi naman ang mga kabataan sa mga prayle bilang mangangahoy,sakristan(gaya ni Crispin at Basilio) o katesista; kasapi ng choir, mga artista sa mga moro-moro o mga dula na naglalarawan sa kanilang mga kapatid na Muslim bilang mga traidor, di-sibilisado, walang Diyos, hurumentadong mga tao atbp.
References: (Mahajani; Constantino, a past revisited)
Noong 1869-70 ay nanungkulan si Carlos Ma. De La Torre bilang gobernador heneral na ang naging bunga ay ang paglaganap ng kaisipang Liberalismo subalit siya ay agad na pinalitan ni Rafael De Isquierdo. Ang pagsupil sa karapatan sa pagsasalita at pamamahayag na dinanas ng mga Pili-pino sa rehimen ni Isquierdo ay hindi pumigil sa kanila upang maghangad ng reporma. Dahil sa nagkaroon sila ng pagkakataon na makilala ang liberalismo sa panahon ni De La Torre, hindi ito nakalimutan ng mga Pilipino at naghangad pa sila ng mas masaklaw na kalayaan.
Sa panunungkulan ni Isquierdo nagkaroon nang pag-aalsa ang mga manggagawa sa arsenal ng Cavite. Ang paghihimagsik ay nagbunga nang pagpatay sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora. Ang paggarote sa mga pari noong 1872 ay hindi nakapigil sa daloy ng adhikain para sa pagbabago. Sa yugtong ito ng panahon ay isinilang ang Propaganda Movement at siyang naging mitsa nang pagsiklab ng rebolusyong 1896.
Samantala, ang Industrial Revolution na nagsimula sa England ay umabot na rin sa Estados Unidos. Ang Amerika noong 1875 ay may labis na gawang produkto na sobra sa pangangailangan ng mga Amerikano at higanteng kapital na labis sa pampuhunang pangangailangan sa US. Gaya ng mga Industriyalisadong Bansa, ang Amerika ay nangangailangan ng mga hilaw na sangkap na mahalaga sa industriya nito. Kailangan nila ang mga bagong palengke sa ibang bansa para sa mga tapos na produkto. Ang mga Amerikanong mangangalakal at magbabanko ay naghahanap ng pagkakakitaan sa ibayong dagat upang magtayo ng mga bagong negosyo at murang lakas paggawa.
Noong 1895, sumiklab ang rebolusyon sa Cuba at sa loob nang tatlong taon ay lumagablab ang apoy ng pagtutunggali. Nang panahong iyon, ang mga Amerikano ay may $50 Million na investment sa mga plantasyon ng tabako ay asukal ng Cuba, sa mina ng bakal, riles at mga kompanya ng sasakyang dagat. Ang US- Cuban commerce ay umaabot sa $100Million bawat taon. Umiwas ang mga Katila na makadigma ang mga Amerikano ngunit ang mga nasa sensitibong posisyon kagaya ni Theodore Roosevelt na noon ay Asst. Secretary of the Navy, Henry Cabot Lodge at Alfred Mahan ay naghahangad ng dugo. Ang dahilan sa pagtigis ng dugo ay dumating nang ang barkong USS Maine ay lumubog sa Port Havana kasama ang 90 Negro noong 15 Pebrero 1898. Pinalubog ng mga Kano ang sarili nilang barko upang isisi sa mga Kastila at upang mabigyan ng katuwiran ang panghihimasok ng mga Kano sa labanang Kastila at mga Cubans. Ref:(Carl Becker, History of Modern Europe:Imperialism and World Conflict; US Armed Forces Institute; Harold Faulkner, Tyler Keper, American History: Social and Cultural America, USAFI)
Dalawang buwan ang nakaraan, ang kongreso ng Amerika ay nagpahayag ng pakikidigma sa Espanya. Si Heneral Aguinaldo na pumunta sa Singapore at Hongkong matapos ibenta ang rebolusyon sa halagang Php 400,000.00 sa Biak-na-Bato ay nahimok ng mga Kano na bumalik muli sa Pilipinas at pamunuan ang rebolusyon, gayundin ay makipagtulungan sa mga Amerikano upang mapalaya ang mga Pilipino. Noong 01 May 1898, si Commodore George Dewey ay walang hukbong panglupa upang sakupin ang siyudad ng intramuros, ang upuan ng sentrong pamahalaan ng mga Kastila, kaya’t hinikayat nila si Aguinaldo na paikutan ito habang naghihintay si Dewey sa pagdating ng tropa ng mga Amerikano. Pinutol ni Aguinaldo ang supply ng tubig at pagkain sa Intramuros na nagdulot ng paghihirap sa mga Kastila sa loob ng siyudad.
Hindi matanggap ng mga Kastila ang pagkatalo sa kamay ng mga Pilipino kung kaya’t minabuti nilang makipagkasundo sa mga Kano (na kakulay nila) sa pamamagitan ng isang Belgian Consul. Naganap ang Mock Battle(huwad na labanan) noong 13 Agosto 1898 kaya’t ang mga rebolusyonaryong Pilipino ay pinagkaitan ng tagumpay na nararapat ay sa kanila napunta. Nilagdaan naman noong 10 December 1898 ang Treaty of Paris at nagbayad ang mga Amerikano ng halagang $20 Milyon sa mga Kastila upang magkaroon ng karapatan ang mga Kano sa Arkipelago. Lumalabas na ang bawat Pilipino noon ay binili ng mga Kano mula sa mga Kastila sa halagang $2 bawat isa. Ref: (Sheridan pp. 63-65; Kasaysayan ng Pilipinas p. 162, Gagelonia-Gagelonia)
Noong 04 Pebrero; ang tropang Amerikano ay sumalakay sa mga kawal Pilipino na nagsilbing simula ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Bago nanalo ang imperyalistang US noong 1902, $600 Million ang ginastos ng Amerika at 146, 468 na tropang kano ang nakidigma sa mga Pilipino; isang malinaw na katibayan na hindi natin sila tinanggap sa Pilipinas” with open arms” May 4,000 Kano ang napatay at 3,000 naman ang nasugatan.
Ang mga Imperyalistang mandarahas ay nagsagawa nang pagpaslang sa ating mga kalahi sa maramihang bilang gaya nang pagmasaker sa mga bihag, panggagahasa sa mga kababaihan, pandarambong sa mga bahay at ari-arian; tortyur, pagsusona, concentration camps at ang pagsunog sa Samar.Ref:(Moore-Field Story: Marcial Licauco, The Conquest of the Philippines; Sheridan)
Lumaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano mula noong October 1898-April 1902, halos apat na taon. Higit sa panahong ginugol ng mga kano upang lansagin ang puwersang Hapones--- kasing tagal ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Gumugol ng anim na buwan ang Amerika para matalo ang mga Kastila at 42 buwan upang magapi ang mga Pilipino, higit sa anim na beses ang tinamo nilang casualty. Ang mga Imperyalista sa katotohanan ay pumatay ng mahigit sa 600,000 Pilipino sa Luzon pa lamang. Sila rin ang nagpakilala ng 45 caliber sa pamamagitan ni Gen. Pershing at hamletting sa ating bansa upang gamitin sa mga rebolusyonaryo.
Ang karaniwang ratio sa pagitan ng patay at sugatan ay 1:5, ibig sabihin ay isang patay sa bawat limang sugatan. Sa Boar War, American Civil War, Spanish- American War at mga digmaang pandaigdig; ang proporsyon ay nananatili. Kahit sa panahon ng hapon na inilarawan ng mga Amerikano bilang mga barbaro ay 1:5 pa rin ang ratio subalit sa American official record ng digmaang Pilip[ino-Amerikano ay nagpapakita nang kabaliktaran: sa bawat Pilipinong sugatan ay lima ang patay o 5:1 ang ratio ng patay sa sugatan. Sa Hilagang Luzon ay 1,014 Pilipino ang pinaslang at 95 lamang ang sugatan, may ratio na 10:1 ang patay sa bawat sugatan. Ref: (Hilarion Henares, Jr., Sun and Stars Alight)
Panahon nang Pananakop ng Imperyalistang Amerikano
Alam ng mga Kano ang kamalian ng mga Kastila(gaya ng Union of Church and State, edukasyon para sa mga elitista, hindi pagpapalaganap ng wikang Kastila, walang representasyon sa pamahalaan) at batid nila na ang paghubog o pagkundisyon sa isipan ng tao ay mas mainam na kaalinsabay ng operasyong militar, ipinakilala ng mga kano ang pampublikong sistema nang pag-aaral. Ang edukasyon sa katotohanan para sa mga Amerikano ay ang sistematikong proseso ng paggawa sa alam upang maging hindi alam at sa batid upang maging hindi batid. Ang edukasyong kolonyal ay tusong sumira sa pakikibaka at tagumpay ng mga tao, sumakay sa mga unang balyus habang niluluwalhati ang kulturang Amerikano upang mapadali ang paggawa ng mga tapat, makasarili, may oryentasyong komonsumo(consumption oriented) at alipin sa kabuhayang uri ng mga tao. Kaya ang mga Pilipino ay tinuruan ng “A” is for Apple, sa halip na atis; C is for chestnuts; ang G is for grapes sa halip na caimito o guyabano. Ang mansanas, chestnuts at ubas ay nasa listahan ng surplus na produkto ng Amerika para sa export. Hindi naglaon ay ipinakilala si Santa Claus na may dalang bag ng mga regalo para sa mga well-behaved na mga bata(masunurin, palayuko sa kahit anong dikta ng mga dayuhan); ganoon din si St. Valentine, ang Patron ng mga mangingibig.
Kapag pasko at Valentine’s day, kailangan nating magpadala ng Gibson at Hallmark greetings card bilang tanda ng ating malalim na pagmamahal kahit na ang mga Santong ito ng mga banyaga ay kabilang sa 200 Santo na inalis ng Vatican sapagkat ang kanilang kasaysayan o existence ay pinag-aalinlanganan. Ref: (200 Saints weeded out, Vatican says, Manila Times, 14 May 1969)
Sapagkat ang mga Pilipino ay may likas na talentong tipikal sa mga dayuhan, pinaawit siya ng “ I was poorly born on the top of the mountain” na sa kalaunan ay nadiskubre sa isa pang awit na itinuro na ang indibidwal na “I’s” ay mismong mga Pilipino( Negritoes of the mountain what kind of food you eat?). Ipinasaulo din sa mga batang Pilipino ang “ Red, white and blue, stars over you, Mama said, Papa said, I love you!” na hindi na kailangang diretsang isalaksak sa utak na mahalin ang US flag. Sinabi rin sa kanila na si Pepe(incidentally ay ang palayaw ni Dr. Rizal) ay isang maliit na bata na naatasan ng kanyang gurong Kano upang gumupit ng larawan ng isang munting unggoy na kinulayan ng kayumanggi. Nalaman niya na ang “nipa hut is very small” samantalang sa mga tipikal na bukiring Amerikano, ang mga aso, kahit baboy, ay naninirahan sa mga konkretong mga bahay.
Ang mga batang Pilipino, na pagkaraan ng ilang dekada ay naging lider ng bansa ay tinuruang magdiwang at magsaya tungkol sa mga pangyayari na psychologically ay nagpapanukala ng pambansang pagkatalo, kawalan, kolaborasyon, pagkakawatak at pagiging palaasa; gaya ng Death of Rizal, Fall of Bataan and Corrigidor at July 4th Independence. Gayundin ay tinuruan siya na “clean little hands are good to see” (sa pamamagitan ng Tide, Palmolive, Camay o Lux); na ang “planting rice is never fun” hindi lang sa kadahilanang ang US ay may surplus na California rice kundi sa dahilang ang nais ng Amerika ay murang asukal upang gawing kendi at nakaka-adik na cough syrup; copra para maging sabong panlaba, perfume, pamada, baby oil, margarine, troso para maging plywood, radio-TV-stereo cabinet, Mongol pencil, iron at copper ores para sa opisina/sports equipments, heavy machineries, kotse, spare parts, hardwares, appliances, bala, bomba at iba pang instrumento ng pagpuksa, tabako para sa Salem, Winston, Camel, Marlboro, Phillip Morris, etc.
Talagang mas magagaling ang mga Amerikano kaysa sa mga Kastila sapagkat kung inabot ng 44 taon(1521-1565) ang mga Espanyol upang makapagtatag ng pundasyon nang direktang pamamahala, ang mga kano naman ay 16 na taon lamang upang ang Pilipinas ay gawing alipin ng Imperyalistang US. Ngayon, hindi na kailangang magpaliwanag ng Amerika tungkol sa kanilang patakarang kolonyal. Marami na silang tagapagtanggol sa hanay ng mga Pilipinong nakahanda na mag-alay ng buhay para sa interes ng dayuhang kapakanan. Salamat sa Universal System of Education ng mga Kano na lumason sa utak ng mga Pilipino.
Noong 1930’s, dumanas ng economic depression ang bansang Amerika, ang produksyon ay mahina at Milyong Amerikano ang nawalan ng hanapbuhay. Ang mga bansang ang kabuhayan ay nakatali sa Amerika ay lubhang naapektuhan. Kailangang ibaling ng pamahalaang US ang kanyang eskimang pangkabuhayan sa kanyang mga higanteng Military-Industrial Complex na kontrolado ng malalaking kapitalista upang mabigyan ng solusyon ang kanyang suliraning pang-ekonomiya. Dapat nating tandaan na isa sa mga mapanlinlang na paraan ng US upang umunlad ang kanyang kabuhayan ay ang pagsuporta o paggawa ng giyera. Noong WW1, ang mga bansa sa Europa ay bumuhos ng kanilang kabuhayan sa US upng bumili ng mga armas at gamit pandigma. Paagkatapos na pumasok ang US sa digmaan noong 1917, parang lobong pumaimbulog ang kanyang ekonomiya, “Profits mounted skyhigh, wages reached unheard –of-peaks while the European nations exerted their efforts to destroy one another.” Ref: (Faulkner Tyler, Anerican History: The industrialization of America from colonial past to the present, pp. 120-121, 1944, USAFI)
Pananakop ng mga Hapones
Nang salakayin ng mga Hapon ang Pearl Harbor noong 1941, natagpuan ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon ang kanyang sarili na nasa pagitan ng dalawang nagtutunggaling imperyalistang lakas. Ang mga kawal Pilipino ay nakihamok sa mga bagong mananakop katabi ng kanyang “American Brother”.
Gaya nang inaasahan ng mga Hapon, itinuon ni MacArthur ang puwersa ng USAFFE sa Bataan at corrigidor. Malayang nasakop ng mga Hapon ang ibang panig ng bansa. Bumagsak ang Bataan noong April 9 at ang Corrigidor naman noong May 6, 1942.
Habang ang kasulatan ng pagsuko ay nilalagdaan ni Gen. Jonathan Wainwright , marami sa mga Pilipino ang hindi nagsalong ng kanilang sandata. Bumuo sila ng mga yunit gerilya (isa dito ang HUKBALAHAP) at patuloy na sumalakay sa mga Hapon.
Nang dumating ang tropang Amerikano, karamihan sa mga pook ng kapuluan ay napalaya na ng mga Gerilyang Pilipino. Napag-alaman din nila na nakapagtatag ang mga HUK ng pamahalaan hindi lamang sa mga barangay kundi maging sa pambayan at panlalawigang antas. Karamihan sa mga barangay at bayan sa Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga at Laguna ay may sariling namamahalang People’s Council. Gayunpaman, isinalaksak sa ating utak ng mga Historyador at propagandistang Amerikano na kung hindi dumating si McArthur- hindi mapapalaya ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili laban sa mga mananakop na Hapones. Sa katotohanan, ang magiting na pakikibaka ng mga Pilipino sa loob ng tatlong taon ang nagligtas sa Australia at New Zealand na nagbigay daan din sa pagbawi at pagpapanumbalik ng lakas ng Amerika.
Ang tanging nagawa ng Imperyalistang Hapon noong World War II ay ang brutal na pagkitil ng buhay. Ang tangi namang nagawa ng US ay ang walang habas na pagwasak sa mga buhay at ari-arian ng mga Pilipino sa ilalim ng balatkayong mopping-up operations sa kabila ng katotohanang ang mga Hapon ay umalis na sa mga bayan at siyudad. Winasak ng mga Kano ang mga ari-arian ng mga Pilipino sa pamamagitan ng walang habas na pambubomba at panganganyon upang ihanda sa War Damage, bayad pinsala at War Reparations na nagsilbing sangkalan upang maaprubahan at ma-ratify ang Bell Trade Act. Ang mga War Damage Payments ay ipinagkaloob naman sa mga korporasyon ng US, US Citizens at mga institusyong pangsimbahan. Mapatutohanan ito ng mga records ng US Congress at ng War Damage Commission.
Kaya sa digmaang sa ikalawang pagkakataon ay lumabas ang US bilang “Liberators”, sa isang madugong pagtutunggali na di natin hinangad, ang Pilipinas ayon kay Commissioner McNutt ay nagbuwis ng 1,111,938 na buhay; mahigit sa 60% dito ay Kabataang Pilipino- kasama ang mga gusali at ari-arian na nagkakahalaga ng $300 Bilyon.
(Ref: Hernandez, Bayang Malaya pp. 161-163; Constantino, The Continuing Past; The Seventh and Final Report of the US Commissioner to the Philippines Covering the period from 14 September 1945 to 05 July 1946; Virgilio Dionisio, RP’s War Damage Claim p. 5, Bulletin Today, 1983)
REPUBLIKA NG PILIPINAS 1972-1986
Penomenal ang pagkakaupo ni Ferdinand Marcos sa Pampulitikang kapangyarihan. Mula sa isang intelektwal na pamilya, siya ay naging tanyag dahil sa pagkakawalang-sala niya sa Nalundasan Case noong siya ay estudyante pa lamang, naging topnothcher ng Bar Exam at naging sundalo noong ikalawang digmaan. Hindi siya nagmula sa isang oligarko o negosyanteng pamilya. Malawak ang kanyang kaalaman sa kasaysayan at lipunan, gagap niya ang takbo at laro sa sistema ng pulitika at pamahalaan na ipinamana ng corrupt na rehimen ng mga Kastila at Amerikano.
Noong 21 September 1972, ideneklara niya ang Batas Militar(Martial Law) na naglalayong makamtan ang kapayapaan at kaayusan, reporma sa lupa at paggawa, kabuhayan at edukasyong reporma, serbisyong panlipunan at repormang pampulitika ganoon din ang reorganisasyon ng pamahalaan. Isa sa kanyang mariing tinutulan ang mga Pork Barrel ng mga Konresista na pangunahing pinagmumulan ng korapsyon at katiwalian.
Sa hangaring maitayo ang isang “NEW SOCIETY” o Bagong Lipunan, may kabuuang 523, 616 na mga baril ang nakumpiska, 145 na private armies ang nalansag at ipinakulong ang kanilang mga pinuno; 12,000 kriminal ang nadakip at Php 32.5 Milyong halaga halaga ng bawal na gamot ang nasamsam at nadakip ang mga druglords. Isang Intsik na drug lord ang binaril sa pamamagitan ng firing squad matapos mapatunayang guilty. Sa loob ng halos ilang buwan ay naging Zero ang criminality rate ng bansa dahil sa mga repormang ipinatupad
Noong 11 March 1974 ay nakubkob ng mga kawal ng AFP ang himpilan ng MNLF sa Batang Puti at nawasak ang gulugod ng mga kapatid na Pilipinong Muslim na nag-adhikang ihiwalay ang Mindanao, Sulu at Palawan sa Republika.
Sa layuning mapalaya ang mga magsasaka sa pagkasuga sa lupa ay pinirmahan ni Marcos ang PD 27 at sa huling bahagi ng April 1974 ay nakapg-isyu ng 25,000 land transfer certificates ang kanyang administrasyon na sumasaklaw sa 360, 000 ektarya ng lupa.
Isang bagong dimension ang sumulpot kasabay ng pagsilang ng Bagong Lipunan; ang pagsuporta rito ng mga rebeldeng kagaya ni Luis M Taruc, ang supremo ng mga HUK--- na nakihamok ng mahigit sa sampung taon upang was akin ang lumang lipunan. Ang mga komunistang kagaya ni Benjamin Sanguyo alyas Kumander Pusa na dating deputy ni Kumander Dante at si Benjamin M Bie alyas Kumander Melody ay naging aktibong mga taga-suporta ng IDEYOLOHIYANG PILIPINO(FILIPINO IDEOLOGY) ng Bagong Lipunan.
Sa mga Barangay ay pinasigla ang kampanya sa eleven basic needs kagaya ng: tubig, kuryente, pagkain, damit, pabahay, edukasyon, teknolohiya’t agham, kalusugan, kabuhayan, balanseng ekolohiya, palakasan at rekreasyon, transportasyon, komunikasyon at programang inprastruktura. Upang matugunan ang kakulangan sa enerhiya, pinasigla ni Marcos ang paggalugad at paggamit ng alternative source of power at Isinakatuparan ang Nuclear program ng bansa sa pamamagitan ng Bataan Nuclear Power Plant na inaasahang magliligtas sa ating bansa sa krisis pang-enerhiya, sa pamemeste ng PPA at pagsasamantala ng mga buwayang IPPs. Tinutulan ng mga militanteng grupo at mga oportunistang pulitiko ang nabanggit na programa hanggang mai-scrap ito noong circa 80’s.
Sa loob ng 20 taong panunungkulan ni Marcos at sa kabuuang budget na Php500 Bilyon mula 1965 hanggang 1986 ay nakapagpatayo siya sa larangan ng inprastruktura ng 161, 000 kms ng daan; 1,800,000 hectares na lupaing may irigasyon at 92% ng mga munisipyo sa buong Pilipinas ay may elektrisidad. Sa larangan ng agrikultura ay nagkaroon ng produksyon ang Pilipinas noong 1985 ng 5.8 Milyong metric Tons ng palay, 3.8 Milyong metric tons ng mais at 2.7 Milyong metric tons ng isda. Sa edukasyon naman ay umabot sa 93.6% literacy rate ang mga Pilipino at nakapagpatayo ng 38, 750 eskuwelahan. Sa kalusugan at nutrisyon ay mayroong 1, 814 na ospital ang naipagawa samantalang ang Doctor/ population ratio ay 1:900. Sa reporma sa lupa, umabot sa 657,623 na magsasaka ang nabigyan ng titulo sa lupa at umabot sa 1, 200,000 ektarya ang sinaklaw. Ang personal income per capita ay umabot sa $1, 410.00 at umakyat sa Php 91.3 Bilyon ang Gross National Product(GNP).
Ang Pambansang Soberenya at Pangteritoryong Integridad
Ang usapin sa mga Base Militar ng mga Kano ay usapin ng soberenya’t integridad. Ang pagkabasura ng Senado sa US Military Bases Agreement(USMBA) sa pangunguna ni Sen Salongga ay tagumpay ng sambayanang Pilipino. Lamang, ang tagumpay na ito ay hindi maisasakatuparan kung hindi hinawan at pinakinis ni Marcos ang madawag at masukal na landas upang maresolba ang usapin tungkol sa dayuhang base.
Ang usapin sa USMBA na nilagdaan sa Maynila noong 14 March 1947 ng Administrasyong Roxas ay orihinal na sumasaklaw sa loob ng 99 taon. Noong 1966, sa ilalim ng pamahalaan ni Marcos, si US Secretary of State Dean Rusk at Foreign Minister Narciso Ramos ay nagpasimuno ng kasunduan na pormal na nagratepika sa Bohlen- Serrano understanding noong 1959 na nagtakda ng petsa ng terminasyon ng pananatili ng mga base sa taong 1991. Kung ating gugunitain, ang USMBA sa orihinal nitong anyo ay hindi naglalatag ng mekanismo para repasuhin o hindi man ay tapusin ang kasunduan.
Ang soberenya ng Pilipinas sa ibabaw ng mga base militar ng mga Kano ay natiyak sa dalawang okasyon noong 1970’s: una, sa joint communiqué na nilagdaan ni Marcos at US President Gerald Ford noong 07 December 1975; ang ikalawa ay sa isa pang joint communiqué na nilagdaan naman ni Vice-President Walter Mondale noong 04 May 1978. Ang mga kasunduang ito ay nagbigay puwang sa pagkakalikha ng mekanismo ng pagrepasyo at terminasyon ng kasunduan para sa mga base.
Sa kabila ng katusuhan ng mga Amerikano ay diplomatikong napaglalangan naman ng Marcos Administration ang US sa larangan ng negosasyon at pagrepaso ng nasabing kasunduan. Itinaas ang bandila ng Pilipinas sa loob mismo ng mga base at iniluklok sa military facilty ang mga Pilipino bilang mga Camp Commanders. Isinauli rin ng US ang malawak na teritoryong dati nilang sinakop. May 90% ng land area ng Clark Field at 45% na area ng Subic ang naibalik sa teritoryo ng Pilipinas ganoon din ang mga kanugnog na anyong tubig.
DeMarcosification Campaign
Noong kumandidato si Marcos noong 1965, hindi lamang mga komunista ang kanyang kalaban kundi maging ang mga Social Democrats na nagkakanlong sa kabanalan at mistisismo ng krus. Ang pagdeklara niya ng Martial Law upang iligtas ang Republika at mailunsad ang mga radikal na reporma ay binatikos hindi lamang ng mga oligarko, panginoong Maylupa, Burgesya’t Kumprador, tradisyonal na mga Pulitiko(Trapo) kundi maging ng American Press. Sa adhikaing ang bansa’y muling maging Dakila ay tinapakan niya ang interes hindi lamang ng mga haligi ng pyudalismo kundi maging ang pundasyon ng mga kleriko-pasista at kolonyalismo.
Walang humpay ang paggiling ng makinarya ng mga Black Propaganda Operators upang wasakin ang imahe ni Marcos. Pati ang pagkamatay ni Ninoy Aquino ay orkestradong ibinintang sa kanya upang bumagsak ang suporta sa kanya ng sambayanan. Sa paghamon sa kanyang liderato, tumawag siya ng ng Snap Election noong 1986.
Ang sabwatang Komunista, Simbahan at CIA
Ang eleksyong 1986 ay may pagkakahawig sa 1950’s election sa pagitan ni Magsaysay at Quirino. Itinatag ang NAMFREL noong 1951 sa pamamagitan ng isang CIA Agent na si Gabe Kaplan. Ang layunin nito ay upang i-project si Magsaysay bilang protector ng isang malinis na eleksyon at demokrasya. Tumanggap ng $25,000 election fund ang kampo ni Magsaysay mula sa American Chamber of Commerce sa Pilipinas at ang campaign strategy ay ituon sa graft and corruption ng administrasyong Quirino. Sa eleksyong iyon, dumating at nag-angkla sa Manila Bay ang mga barkong pandigma ng US, naganap din ito noong 1986.
Muling lumutang ang NAMFREL noong 1986 sa pamumuno ni Joe Concepcion. Nagkaroon naman ng tactical alliance ang mga komunista at si Gng. Aquino noon pang 26 December 1984 nang lagdaan niya ang dokumentong Declaration of Unity. Nang mailuklok ng isang kudeta si Aquino, agad niyang pinakawalan mula sa Military Detention ang mga komunistang sina Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante at Joma Sison .
Sa kabila ng sabwatan ng CIA, Komunista, simbahan at mga Dilawan, nanalo pa rin si Marcos at lumamang ng humigit kumulang sa Isang Milyong boto kay Mrs. Aquino. Iprinoklama siya ng Batasang Pambansa bilang halal na Pangulo noong February 1986 at sumumpa sa Chief Justice ng Korte Suprema. Ayon sa Executive Intelligence Review PO Box 17390, Washington, DC, sa ipinalabas na dokumentong “ STATE DEPARTMENT SEEKS NEW NICARAGUA IN THE PHILIPPINES--- Despite the internationally orchestrated, lying reports, even the election statistics claimed by former Philippine Presidential Candidate Cory Aquino and the US State Department’s NAMFREL front operation, show conclusively that Marcos won the recent Snap Election.”
Ipinahayag naman ng International Magazine na The SPOTLIGHT noong 16 February 1987, “ Despite the best efforts of the US establishment media to confuse or misrepresent the issue, Ferdinand Marcos is the Legal, constitutional President of the Philippines. Mrs. Aquino is a usurper brought to power with both overt and covert help from the US.”
Noong 10 March 1986, inilathala ng Spotlight Magazine ang mga Amerikanong naging utak sa pagkidnap ng US sa isang lehetimong Pangulo ng Pilipinas. Ang mga ito ay sina: Assistant Secretary of State Paul Wolfowitz; Secretary of Defense Richard Armitage, CIA director William Casey, CIA Assistant for Philippine Affairs Arnold C Lavine, Gastun Sigur- Senior Analyst of the National Security Council for Asia and the Pacific, Stephen Solarz- Head of the House-Sub Committee on East Asia Pacific Affairs at US Ambassador Stephen Bosworth.
Republika ng Pilipinas(1986-1992)
Sa panunungkulan ni Mrs. Aquino ay tuluyang napagsamantalahan ng mga dayuhan ang ating ekonomiya. Nariyan ang Import Liberalization Scheme na pumatay sa mga Pilipinong mamumuhunan, Memorandum of Economic Policy na dikta ng usurerong IMF-World Bank, Philippine Aid Plan at ang pagbasura sa Sabah Claim na lubhang nagpasiklab sa dugo ng mga Pilipino.
Sa kabila ng budget ng kanyang rehimen na 1.6 Trilyong Piso sa loob ng anim na taon ay wala siyang konkretong patakarang pangkabuhayan at programa sa pag-unlad. Lubhang umasa ang kanyang gobyerno sa foreign barrowings na mula 1986-88 lamang ay umabot na sa $3.6 Billion. Ang ipinangako niyang kaunlaran ay nabulok lamang sa kanyang bunganga, ito ay pinatunayan ng Personal Income Per Capita na $572.00 lamang noong 1986, 8 hours na brown-out, strike, welga, krisis sa transportasyon at kagutuman, sa kanyang panunugkulan ay mahigit sa 8 Milyon ang unemployed at 1.5 Milyon naman ang natanggal sa trabaho. Ang kabuuang 44% ng budget ng Gobyernong Aquino ay ipinambayad lamang sa mga utang panlabas.
Noong 24 August 1988, mismong ang Vice-President ni Aquino na si Salvador Laurel ay nagparatang ng kanyang kawalan ng kakayahan at hinimok pa siya nito na magbitiw sa tungkulin at tumawag ng isang eleksyon.
Pamahalaan ng mga Magnanakaw
Si Mr. Juaquin ‘Chino” Roces na naging instrumental upang maging pangulo si Mrs. Aquino ay nagwika noong 1988 na, “ It was not rice, road, bridges, water, electricity and other mundane things that people expected of us but rather a moral order seen in the governments response to graft and corruption in public service. We cannot afford a government of thieves unless we can tolerate a nation of highwaymen.”
Mismong ang nagging budget Secretary ni Aquino na si Carague ay nagpahayag na 1/3 ng kabuuang kita ng Gobyerno ay nananakaw ng mga nasa pamahalaan. Sa panahon ng Aquino Regime, 13 out of 15 supreme court justices ang inakusahan ng Graft and Corruption. Sa Hawaii, isang lider ng Filipino Community na nagngangalang Mr. Jose Lazo ang nagsabing si Mrs Aquino ay nasangkot sa korapsyon. Isa sa mga ebidensyang tinukoy ni Lazo ay ang isang Php 2.8 Milyong PAGCOR check na inisyu ng nabanggit na korporasyon na inisyu sa kanyang pangalan. Nang mahinuha ni Aquino ang implikasyon nito, agad niyang ipinabura ang kanyang pangalan at pinalitan na lamang ng Pay to Cash. Ang Tseke ay tinanggap ni Ms Odette Ong na kanyang confidante at idineposito sa kanyang bank account. Ang PAGCOR na kumikita ng Php 3 Bilyon bawat taon ay nasa control noon ni Cory at hindi isinasailalim sa pag- audit.
Samantala, ang suporta ng mga komunista sa rehimeng Cory ay kagyat na gumuho nang 18 magsasaka na kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas(KMP) ang minasaker sa harap ng Malacanang Palace noon 23 January 1987.
Sa kabila nang ipinangangalandakan ni Aquino na siya ay may “Kontrata sa Diyos” at “Hulog ng Langit”--- dumanas ng kalunus-lunos na kalamidad at sakuna ang ating bansa. Nilindol ang Baguio at Luzon, lumubog ang Dona Marilyn at Dona Paz na itinuturing na pinakamalubhang sakuna sa kasaysayan ng Maritime Industry sa buong mundo, sumabog ang Bulkang Pinatubo, binaha ang Central Luzon, lumubog ang Ormoc sa ilalim ng Rehimeng may KONTRATA SA DIYOS at binasbasan pa ni Cardinal Sin.
(RFabregas- Copright 1992)
“Kailangang masangkapan natin ang ating diwa at kaisipan ng mapanalungat at mapamiglas na kamalayan upang mapagtanto natin ang malinaw na guhit na magbubuklod sa ating interes laban sa kapakanan ng mga dayuhan. Ang interes nating mga Pilipino ay kasalungat ng kapakanan ng mga Banyaga, kung anuman ang makakabuti sa kanila, tiyak na ito ay makakasama sa atin.’
- Bert Fabregas Pebrero 25 1996